Its been such a long time
Hai, katagal ko ng di nagblo-blog! Mang iisang buwan na ata?!?! Bakit nga ba? Di kaya dahil pangit ang schedule ko? Biruin niyo ang monday nag sisimula ng 2 tapos magtatapos ng 8. Ang masama pa nito e 12 ang simula ng klase ko kinabuksan. Sa patindi ng patinding traffic dahil sa nalalapit na pasok at ang kaakibat nitong shopping frenzy, halos 10 pm na ko nakaka-uwi. *buntong hininga* Kung di yan, marahil ang dahilan e ang sangkatutak na babasahin namin. Ay naku, kelan ba kasi nabawasan ang mga babasahin namin sa pamantasaang ito? Tila bawat taon, lalo lang siyang nadaragdagan. Di na ko magtataka kung isang araw lagpas na sa akin ang mga binasa kong mga kaso at kung ano-ano pang supplemental reading. *isa na namang buntong hininga* At kung hindi pa rin yan ang dahilan, panigurado, ito na ang dahilan! PAGOD ako! Sige nga, sino ba ang hindi mapapagod sa kakabasa, kaka-anticipate ng pag-tawag sa iyo sa recitation at idagdag mo pa ang ang mga special children ng batch kong ayaw magpapicture. Di ba STRESS ito!?!?!


<< Home